Korapsyon: Kanser ng Bayan
Ginawang normal ang SOP at kickback upang matiyak na may dagdag kita ang mga opisyal. Samantala, ang mga karaniwang mamamayan ay patuloy na naghihigpit ng sinturon, pilit na pinagkakasya ang kakarampot na kita. Bawat bilihin ay may kasamang buwis sa anyo ng VAT, kaya’t tila walang kawala sa bigat ng pasanin.
Masasabing mapalad pa nga ang mga kurakot—sapagkat ang mga Pilipino ay nananatiling matiisin at hindi nag-aalsa, taliwas sa Indonesia at Nepal kung saan mariin ang pagtutol laban sa katiwalian. Dahil dito, nananatiling bingi at pipi ang mga tiwaling opisyal sa mga hinaing ng bayan.
Tunay ngang ang nagpapalugmok sa ating bansa ay hindi kakulangan sa yaman o talino ng mamamayan, kundi ang walang patid na korapsyon na sumisira sa kinabukasan ng bawat Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento